Isang umaga nang papunta sa skwela,
Mayron akong nakitang isang mamang
matanda.
Kulubot na balat, makapal na kamay,
Marka ng maghapong paghihintay.
Sa isang sulok siya’y nakaantabay,
Nang may makita sa paghahanapbuhay.
Doon ay walang sawa siyang
naghihintay,
Suot ang kanyang damit na
luray-luray.
Nais ko siyang tulungan at alagaan,
Ngunit ako’y isang estudyante
lamang.
Marupok ako at walang kakayahan,
Lalo na’t ako ri’y nangangailangan.
Ngayo’y idadaan ko nalang sa dasal,
At sana’y tugunan ng Poong Maykapal.
Ilayo po sa kapamahaka’t gulo,
Ang minamahal kong Lolo Sapatero.
Lolo Sapatero by Rhey Anne Gempisao
Alvarico
Hindi alintana sa kanya ang alikabok
sa tabi ng daan at ang ginaw tuwing umuulan. Patuloy siya sa pagkayod upang may
makain siya at kung sino man ang kanyang binubuhay.
Inialay koi to kay Lolo Sapatero na
halos araw-araw kong naakikita na nakaupo sa sidewalk ng Magallanes St.
Isa siya sa mga inspirasyon ko upang
mag-aral ng mabuti nang sa gayo’y makatulong ako sa mga katulad niyang
naghihirap.
