Friday, November 16, 2012

Lolo Sapatero


Isang umaga nang papunta sa skwela,
Mayron akong nakitang isang mamang matanda.
Kulubot na balat, makapal na kamay,
Marka ng maghapong paghihintay.

Sa isang sulok siya’y nakaantabay,
Nang may makita sa paghahanapbuhay.
Doon ay walang sawa siyang naghihintay,
Suot ang kanyang damit na luray-luray.

Nais ko siyang tulungan at alagaan,
Ngunit ako’y isang estudyante lamang.
Marupok ako at walang kakayahan,
Lalo na’t ako ri’y nangangailangan.

Ngayo’y idadaan ko nalang sa dasal,
At sana’y tugunan ng Poong Maykapal.
Ilayo po sa kapamahaka’t gulo,
Ang minamahal kong Lolo Sapatero.

Lolo Sapatero by Rhey Anne Gempisao Alvarico

Hindi alintana sa kanya ang alikabok sa tabi ng daan at ang ginaw tuwing umuulan. Patuloy siya sa pagkayod upang may makain siya at kung sino man ang kanyang binubuhay.

Inialay koi to kay Lolo Sapatero na halos araw-araw kong naakikita na nakaupo sa sidewalk ng Magallanes St.

Isa siya sa mga inspirasyon ko upang mag-aral ng mabuti nang sa gayo’y makatulong ako sa mga katulad niyang naghihirap.


No comments:

Post a Comment